!kalongkotan.
August 15, 2008
Nde ko na alam kung ano pa ang dapat gawin kasi bawat hakbang na gagawin babara din sa akin
Nagumpisa ang lahat ng umuwi ako ng sa pandacan nung miyerkules ng gabi, may napakaimportanteng bagay na nde nagawa, eh wala na ko magagawa eh, talagang nde nagawa eh, so ako na lang gumawa nun kahit na pagod na pagod galing sa trabaho, wala naman akong sinabi na masasakit na salita, basta nanahimik na lang ako, ginawa ung dapat gawin kc nga napakaimportante nga nun
Sa di ko maipaliwanag na kadahilanan, iniyakan ung bagay na un, siyempre ako naman, nagtanong kung bakit umiyak, sa totoo lang, napakahirap kausapin ung tao na nde ka pinapansin man lang, at sa di ko rin maipaliwanag na dahilan, baket ganun, ano ba ang ginawa ko
Dumating ang panahon ng pagtulog, para sa kaniya, parang walang nangyari, tuloy ang laro, nakikipagharutan, at natulog, dahil sa pangyayari, nde ko maatim na matulog kung nde mapaguusapan ung nangyari, mabigat sa saloobin un, pero…wala….tulog na
Dahil sa paghihimutok at taglay na gabundok na kalungkutan, umalis ako ng pandacan, maghahating gabi, dala ang bisekleta, nagpunta sa opisina sa magallanes, uminom ng 3 redhorse, kumain ng 3 penoy, natulog sa apat na pinagdikit dikit na upuan, gumising ng ala xete ng umaga, nanakit na likuran at ulo sa sama ng pagkakatulog, tuloy ang pagkayod para sa pamilya
Tx – napakabisang paraan (minsan) para magusap ng di pagkakaintindihan, pero wala pa rin, baket? Dahil lahat ng sinabi ko ay parang pagdidiin sa kaniya na ni isang bagay o ni isang salita, wala na siyang ginawang tama, so ano ang dapat gawin? Manahimik ako…nakakatawa daw kasi ako eh
Issue sa tx – nakita pala ako na papaalis nung miyerkules ng gabi, nde ako pinigilan dahil sa pagkakaalam na un ay makabubuti, ha? May mas makabubuti pa ba kaysa matulog ka ng matiwasay sa tabi ng pamilya mo? Wala ng mas makabubuti pa dun
Pangalawang issue – ni isang paghahanap kung sang lupalop ako napunta, wala, wala, walang wala, eh kung masagasaan ako ng kung anong siraulong driver ng truck jan, wala pa rin, eh kung ano mang kapaha-pahamak ang mangyari sa kin, nde pa rin ako hinanap
Pangatlo – kaya daw nde nagawa ung napakaimportanteng bagay na un ay dahil sa maraming iniisip, eh para san pa ang pakikipagusap sa mga iniisip at saloobin ng isat isa, dahilan ba un? At anong koneksiyon ng malakas kasi ang ulan ngayon? Nakakataas ng tensiyon ung mga walang basehang pangangatuwiran talaga
Nde basta masosolbahan to ng basta paghalik lang, ang mga isyung ganito ay pinaguusapan, isa lang naman gusto ko eh, gaya ng paulit ulit kong sinasabi sa isang swimming sa marilao noon na “communication is the key”, un naman ang dapat eh, na kahit ano pa ang mood mo, kung gagamit ka ng mga malumanay na salita, magiging maayos at kung ang isa ay naiinis, dapat ang isa ang nagpapakalma, nde ung parehong maiinis dahil wala talagang patutunguhan
Nakakatawa daw ako, cge nakakatawa ang bawat salitang sinabi ko, kaya mananahimik na lang, magsisikap pa rin sa pagkayod sa buhay dahil gusto kong gawin un, naiisip ko lang, nde dapat nangyayari ung ganito, madali lang naman magsalita eh, ano ba ang problema sa pakikipagusap
Naiisip ko, hanggang kelan ako tatahimik, nde na ba babalik ang dati, nakakasawa rin kung open ka at ung isa ay nde open sa iyo, siguro, siguro, kasalanan ko rin to


