Home » Post Item » !kalongkotan.

!kalongkotan.

August 15, 2008

Nde ko na alam kung ano pa ang dapat gawin kasi bawat hakbang na gagawin babara din sa akin

Nagumpisa ang lahat ng umuwi ako ng sa pandacan nung miyerkules ng gabi, may napakaimportanteng bagay na nde nagawa, eh wala na ko magagawa eh, talagang nde nagawa eh, so ako na lang gumawa nun kahit na pagod na pagod galing sa trabaho, wala naman akong sinabi na masasakit na salita, basta nanahimik na lang ako, ginawa ung dapat gawin kc nga napakaimportante nga nun

Sa di ko maipaliwanag na kadahilanan, iniyakan ung bagay na un, siyempre ako naman, nagtanong kung bakit umiyak, sa totoo lang, napakahirap kausapin ung tao na nde ka pinapansin man lang, at sa di ko rin maipaliwanag na dahilan, baket ganun, ano ba ang ginawa ko

Dumating ang panahon ng pagtulog, para sa kaniya, parang walang nangyari, tuloy ang laro, nakikipagharutan, at natulog, dahil sa pangyayari, nde ko maatim na matulog kung nde mapaguusapan ung nangyari, mabigat sa saloobin un, pero…wala….tulog na

Dahil sa paghihimutok at taglay na gabundok na kalungkutan, umalis ako ng pandacan, maghahating gabi, dala ang bisekleta, nagpunta sa opisina sa magallanes, uminom ng 3 redhorse, kumain ng 3 penoy, natulog sa apat na pinagdikit dikit na upuan, gumising ng ala xete ng umaga, nanakit na likuran at ulo sa sama ng pagkakatulog, tuloy ang pagkayod para sa pamilya

Tx – napakabisang paraan (minsan) para magusap ng di pagkakaintindihan, pero wala pa rin, baket? Dahil lahat ng sinabi ko ay parang pagdidiin sa kaniya na ni isang bagay o ni isang salita, wala na siyang ginawang tama, so ano ang dapat gawin? Manahimik ako…nakakatawa daw kasi ako eh

Issue sa tx – nakita pala ako na papaalis nung miyerkules ng gabi, nde ako pinigilan dahil sa pagkakaalam na un ay makabubuti, ha? May mas makabubuti pa ba kaysa matulog ka ng matiwasay sa tabi ng pamilya mo? Wala ng mas makabubuti pa dun

Pangalawang issue – ni isang paghahanap kung sang lupalop ako napunta, wala, wala, walang wala, eh kung masagasaan ako ng kung anong siraulong driver ng truck jan, wala pa rin, eh kung ano mang kapaha-pahamak ang mangyari sa kin, nde pa rin ako hinanap

Pangatlo – kaya daw nde nagawa ung napakaimportanteng bagay na un ay dahil sa maraming iniisip, eh para san pa ang pakikipagusap sa mga iniisip at saloobin ng isat isa, dahilan ba un? At anong koneksiyon ng malakas kasi ang ulan ngayon? Nakakataas ng tensiyon ung mga walang basehang pangangatuwiran talaga

Nde basta masosolbahan to ng basta paghalik lang, ang mga isyung ganito ay pinaguusapan, isa lang naman gusto ko eh, gaya ng paulit ulit kong sinasabi sa isang swimming sa marilao noon na “communication is the key”, un naman ang dapat eh, na kahit ano pa ang mood mo, kung gagamit ka ng mga malumanay na salita, magiging maayos at kung ang isa ay naiinis, dapat ang isa ang nagpapakalma, nde ung parehong maiinis dahil wala talagang patutunguhan

Nakakatawa daw ako, cge nakakatawa ang bawat salitang sinabi ko, kaya mananahimik na lang, magsisikap pa rin sa pagkayod sa buhay dahil gusto kong gawin un, naiisip ko lang, nde dapat nangyayari ung ganito, madali lang naman magsalita eh, ano ba ang problema sa pakikipagusap

Naiisip ko, hanggang kelan ako tatahimik, nde na ba babalik ang dati, nakakasawa rin kung open ka at ung isa ay nde open sa iyo, siguro, siguro, kasalanan ko rin to

Posted by emong at 8:48 am | permalink

Previous Comments

LQ kayo ni Joy? Oh my… ayusin nyo hanggat maaga. Sana magkabati na kayo… gusto ko lagi masaya at nagmamahalan ang mga friends ko =)

Posted by Nicely at August 28, 2008, 9:02 am

naiintindihan ko nararamdaman mo dito sa post na to… nangyari din yan minsan sa kin…haayy.. oh musta ka na ngayon? okay na ba lahat? wag ka na malongkot.. di ako sanay.. hehehe…

Posted by claire at September 11, 2008, 2:45 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment








     

August 2008
M T W T F S S
« Jul   Sep »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

!musikahan.

?anu minsahimu.

Nicely:

xempre di ka na nagba-blog…

goTiny :):

sino mei alam ng pamasahe from davao to gensan? epx plx. bago leng aqu dito

goTiny :):

mgkano pamasahe from davao to gensan?

Lara:

Nawa ay nakatulong ako sa problema mo last night… :)

ako c debi...:

..pls nman..i nid ur help! kung tga doha qatar ka nga..?pls ym mko..pls pls pls

ako c debi...:

…hoy ikw ba yung ka chat k khpon?pls nman..tga doha qatar kb?

rio:

elo! musta na

rio:

elo! musta na?

siemongtalaga:

bohayniemong.blogspot.com…pramis…last na last na last na talaga..hehe

emong:

kayemongnicojoyto.blogspot.com pramis yan na talaga

emong:

new website uyet…kayemongto.blogspot.com dun nq maguupdate pwamis apir

cutepsycho:

uy.. new sitey.. hehehe..

titser kai:

aba at talagang naglilipatan na dito. grabe naman di man lang ako sinabihan huhuhu. tampo tampo.

daan ka sa website ko ha!

www.katevergara.info

salamas

ramir:

sana nanjan ako ininum na lang natin iyang kalongkotan mo he he he… pare ganyan talaga ang may asawa hek hek hek… pero tama ka jan communication is the key wag lang manampal ng gerlalu huk huk huk… tangna VSOP ang tinira ko ngayon lasing na ako ha ha ha… nakakamiss din ang pinas talaga hayuf!!!

ana:

kumag!

claire:

hi emong.. tug.. sensya na di na ko nadadalaw dito… aba, akalain mo, ang dami kong namiss na istorya ng buhay mo.. waaahhh.. busy-busy muna ako sa pagbabasa ha…

jezz:

maraming salamat pre! pakisabi nlng din ke dady mo.. di ko naabutan eh… thnx

ela:

di ko maopen blog ni ramir… pwede naman nya iclick dito sa blog mo ung link ko d ba? si ramir talaga… nasagot ko na yung tanong mo no?

ramir:

tae ang drama ni ela… wala naman url ampotah… he he he.. pre.. ganun talaga hindi maiiwasan ang pagkakasakit.. ingat na lang jan mehn para pagbalik naman masaya tayong lahat… tagay mo

ela:

hindi mo ko ni-greet! hmp!

Leave a message ▼

!stuts.