!hi hello tc babay.
July 23, 2008
gaano pa katagal bago magbalik ang tiwala ng isang tao sa iyo, kahit na siguro magdugo pa ung ilong sa kakahingi ng tawad, kahit na siguro mamatay pa ng bigla biglaan, nde pa rin maibabalik ung tiwala ng isang tao sa iyo, bakit kaya ganun, kung sa bagay, nde pedeng sisihin, pero pedeng magtanong, nde pedeng magalit, pede rin naman makipagusap pero pipiliin ung mga salitang kapanipaniwala lang, eh ang kaso, hindi ka na nga pinaniniwalaan eh, ano pa bang salita ang dapat mong bigkasin para paniwalaan, magulo di ba, pag hindi ka naman nagsalita ang magiging konklusyon ay umiiwas ka, pag nagsalita ka naman, hindi ka naman paniniwalaan, sa totoo lang, mahirap din talaga makasira ng tiwala ng tao, kontrolado kasi ng taong iyon kung papatawarin ka ba niya ng lubos, o papatawarin ka niya pero nde ka na paniniwalaan, nde mo rin talaga masasabi, sa kabila ng lahat ng pede mong gawin, humingi ng tawad, at kung ano ano pa, talagang maaring dumating sa punto na lahat ng lalabas sa bibig mo, nde kapanipaniwala, ah alam ko na, para naman walang masabi, cguro naman ang hi hello tc babay ay pede na, o hindi pa rin kapanipaniwala?
haha, hindi ko na naman alam, ang alam ko lang masarap magbisikleta, wag ka lang hahabulin ng aso, nge


