!last.
October 2, 2008kayemongnicojoyto.blogspot.com
hehehe…minsan talaga kelangan maging magulo ka…
!walang oras.
September 14, 2008wala ng oras sa pagbblag…eh ano kaya ung ngayon? nyuknyaks…ewan ko lang..iniisip lng ang longterm security, mahirap na, hirap din talaga, pero ok nmn, salamat sa webcam, microphone, mabuting kalusugan at patuloy na pagbibigay sa min ng buhay
un lang…
pero wala pa ding oras…hehehe..apir!
hmmm…wanmorting..nde pedeng restdays ko ay tuesday at wednesday, pede pa thursday at sunday, un lng…piryud! haha! aus!
!films yahu.
September 1, 2008 *** - ganda sobra dapat mapanood mo
** - ok naman pede na
* - ampanget sobra
september 2008
meet bill **
blood diamond *
crash *
punisher *
resident evil 123 *
august 2008
p2 **
you dont mess with the zohan **
tropic thunder **
taken *
hancock *
ypf *
mystic river *
if only *
kung fu panda *
big stan *
iron man *
the dark knight *
july 2008
the darjeeling limited ***
mother of tears ***
atonement **
lars and the real girl **
sweeney todd **
teeth **
mr woodcock **
insanitarium **
drillbit taylor **
the happening **
turistas **
what happens in vegas *
city of god *
pulp fiction *
forgetting sarah marshall *
reservoir dogs *
harold & kumar escape from guantanamo bay *
gone baby gone *
goodfellas *
fight club *
interview with the vampire *
the shining *
psycho 1960 *
june 2008
the signal ***
be kind rewind **
alien vs predator requiem **
superhero movie **
in bruges **
vexille **
the prestige **
borat **
superbad **
the great debaters *
the spiderwick chronicles *
pathology *
lust caution *
once *
sicko *
bourne trilogy *
charlie wilson’s war *
may 2008
thirteen ***
juno ***
cursed ***
the savages **
eastern promises **
wriscutters a love story **
rambo **
forbidden kingdom **
88 minutes **
the bank job **
untraceable **
perfect stranger **
the host **
doomsday **
before the devil knows you’re dead **
blades of glory **
over her dead body **
there will be blood *
naruto shippuuden movie *
the butterfly effect *
national treasure 2 book of secrets *
the orphanage *
saw IV *
dan in real life *
mr. brooks *
hot fuzz *
!hehe.
August 19, 2008normal lang naman ung ganun..at least ok na..
nde lang ok ung craulong motor na nakasabay ko kanina, lane ko yan eh, respeto lang, kumag
ngayon ko lang nalaman…ngayon ko lang nalaman…yech..hehehe apir!
!kalongkotan.
August 15, 2008
Nde ko na alam kung ano pa ang dapat gawin kasi bawat hakbang na gagawin babara din sa akin
Nagumpisa ang lahat ng umuwi ako ng sa pandacan nung miyerkules ng gabi, may napakaimportanteng bagay na nde nagawa, eh wala na ko magagawa eh, talagang nde nagawa eh, so ako na lang gumawa nun kahit na pagod na pagod galing sa trabaho, wala naman akong sinabi na masasakit na salita, basta nanahimik na lang ako, ginawa ung dapat gawin kc nga napakaimportante nga nun
Sa di ko maipaliwanag na kadahilanan, iniyakan ung bagay na un, siyempre ako naman, nagtanong kung bakit umiyak, sa totoo lang, napakahirap kausapin ung tao na nde ka pinapansin man lang, at sa di ko rin maipaliwanag na dahilan, baket ganun, ano ba ang ginawa ko
Dumating ang panahon ng pagtulog, para sa kaniya, parang walang nangyari, tuloy ang laro, nakikipagharutan, at natulog, dahil sa pangyayari, nde ko maatim na matulog kung nde mapaguusapan ung nangyari, mabigat sa saloobin un, pero…wala….tulog na
Dahil sa paghihimutok at taglay na gabundok na kalungkutan, umalis ako ng pandacan, maghahating gabi, dala ang bisekleta, nagpunta sa opisina sa magallanes, uminom ng 3 redhorse, kumain ng 3 penoy, natulog sa apat na pinagdikit dikit na upuan, gumising ng ala xete ng umaga, nanakit na likuran at ulo sa sama ng pagkakatulog, tuloy ang pagkayod para sa pamilya
Tx – napakabisang paraan (minsan) para magusap ng di pagkakaintindihan, pero wala pa rin, baket? Dahil lahat ng sinabi ko ay parang pagdidiin sa kaniya na ni isang bagay o ni isang salita, wala na siyang ginawang tama, so ano ang dapat gawin? Manahimik ako…nakakatawa daw kasi ako eh
Issue sa tx – nakita pala ako na papaalis nung miyerkules ng gabi, nde ako pinigilan dahil sa pagkakaalam na un ay makabubuti, ha? May mas makabubuti pa ba kaysa matulog ka ng matiwasay sa tabi ng pamilya mo? Wala ng mas makabubuti pa dun
Pangalawang issue – ni isang paghahanap kung sang lupalop ako napunta, wala, wala, walang wala, eh kung masagasaan ako ng kung anong siraulong driver ng truck jan, wala pa rin, eh kung ano mang kapaha-pahamak ang mangyari sa kin, nde pa rin ako hinanap
Pangatlo – kaya daw nde nagawa ung napakaimportanteng bagay na un ay dahil sa maraming iniisip, eh para san pa ang pakikipagusap sa mga iniisip at saloobin ng isat isa, dahilan ba un? At anong koneksiyon ng malakas kasi ang ulan ngayon? Nakakataas ng tensiyon ung mga walang basehang pangangatuwiran talaga
Nde basta masosolbahan to ng basta paghalik lang, ang mga isyung ganito ay pinaguusapan, isa lang naman gusto ko eh, gaya ng paulit ulit kong sinasabi sa isang swimming sa marilao noon na “communication is the key”, un naman ang dapat eh, na kahit ano pa ang mood mo, kung gagamit ka ng mga malumanay na salita, magiging maayos at kung ang isa ay naiinis, dapat ang isa ang nagpapakalma, nde ung parehong maiinis dahil wala talagang patutunguhan
Nakakatawa daw ako, cge nakakatawa ang bawat salitang sinabi ko, kaya mananahimik na lang, magsisikap pa rin sa pagkayod sa buhay dahil gusto kong gawin un, naiisip ko lang, nde dapat nangyayari ung ganito, madali lang naman magsalita eh, ano ba ang problema sa pakikipagusap
Naiisip ko, hanggang kelan ako tatahimik, nde na ba babalik ang dati, nakakasawa rin kung open ka at ung isa ay nde open sa iyo, siguro, siguro, kasalanan ko rin to
!basketball.
August 13, 2008kelangan ko na talaga ulet maglaro ng basketball…
tsk tsk tsk…nangamote ako sa pandacan kagabi
!2nd anniversary.
August 11, 2008yep…dalawang taon na
hehehe
nagiisip ako - gusto ko talaga magiba ng line of work…gusto ko sa field..hmmm…cge tignan natin
!tx.
July 31, 2008“tay, hndi ko man prating nsa2bi syo kung gano ako nagpa2slamat syo dhl s pag aalagang ibinibigay mo smen n nico.sobrang thankful ako dhl ikaw ang ksma ko s pagpa2laki kay nico.mahal n mahal kta ga..salamat s pagi2ng mbuting asawa sken at slamat s pagi2ng mabuting tatay kay nico..”
sender: gasent: 31-july-2008 12:28:56 am
nabasa ko na lang ng nagising ako ng ala sais meja kaninang umaga..hehe..
masaya ang buhay? yep…masaya ang buhay…apir!
!change.
July 24, 2008ipapalit ko lahat ng mga nde ganun kaimportanteng bagay sa buhay ko sa malusog na malusog at walang sakit na pangangatawan ni nico
talaga
pero imposible…talagang dumadating ang sama ng pakiramdam…ang magagawa mo lang..agapan..prevention..mahalin
!hi hello tc babay.
July 23, 2008
gaano pa katagal bago magbalik ang tiwala ng isang tao sa iyo, kahit na siguro magdugo pa ung ilong sa kakahingi ng tawad, kahit na siguro mamatay pa ng bigla biglaan, nde pa rin maibabalik ung tiwala ng isang tao sa iyo, bakit kaya ganun, kung sa bagay, nde pedeng sisihin, pero pedeng magtanong, nde pedeng magalit, pede rin naman makipagusap pero pipiliin ung mga salitang kapanipaniwala lang, eh ang kaso, hindi ka na nga pinaniniwalaan eh, ano pa bang salita ang dapat mong bigkasin para paniwalaan, magulo di ba, pag hindi ka naman nagsalita ang magiging konklusyon ay umiiwas ka, pag nagsalita ka naman, hindi ka naman paniniwalaan, sa totoo lang, mahirap din talaga makasira ng tiwala ng tao, kontrolado kasi ng taong iyon kung papatawarin ka ba niya ng lubos, o papatawarin ka niya pero nde ka na paniniwalaan, nde mo rin talaga masasabi, sa kabila ng lahat ng pede mong gawin, humingi ng tawad, at kung ano ano pa, talagang maaring dumating sa punto na lahat ng lalabas sa bibig mo, nde kapanipaniwala, ah alam ko na, para naman walang masabi, cguro naman ang hi hello tc babay ay pede na, o hindi pa rin kapanipaniwala?
haha, hindi ko na naman alam, ang alam ko lang masarap magbisikleta, wag ka lang hahabulin ng aso, nge
!aydidit.
July 17, 2008paramount village pelayo laspinas to magallanes makati in 1 hr and 4 minutes
yahoo!!!!!
sarap!
tha bes talaga ang bike…galeng
1st time lang naman magcity biking eh…cguro 20 kph lang ung takbo ko, d bale, araw araw naman may bagong natututunan, salamat kay manong guard sa tips
pagiyak
July 16, 2008nde na tumigil ang pagiyak ng langit….waaaahh…
pero dapat tumigil na ang pagsimangot kapag pinakisuyuan
nde naman kasi tama un db
!pajak power.
July 15, 2008sa nde mapaliwanag na dahilan, napatutok ako sa balita sa channel 5 kagabi at natampok ang pajak power, ung tipong, dahil sa mahal na ng gas sa ngayon, nagbibisekleta na ang mga tao, may mama dun, dati nagkokotse tapos nagmomotor ngayon nagbabayk na ang…waw galeng ha…idol ha..
kaya nga habang kinakanta ang pop machine sa isipan, binabagtas ang masisikip na kalye ng pasay, gamit ang motor, inisip ko, ano ang mangyayari sa huwebes
huwebes kasi ang nakatokang pajak power day ko, nyuknyaks, ang korny, pajak power
pero kung iisipin, once a week, hmmm, pede na, exercise, pede na, wag ka lang papasagasa, xempre naman…
go go pajak power! ya-ha!
!ang bohay.
July 13, 2008ang bohay na simple ay masayagigising ka sa umaga taglay ang pagsusumikap nde lamang para sa sarili kundi para sa mga minamahal mo
masaya
magtatrabaho ng sapat nde naman ganun kalaki ang sweldo pero sapat lang
masaya
uuwi maglalaro kakain ng sama sama
masaya
magpapahinga sa dulo ng sanlinggo manonood magpupuyat
masaya
gagawa ng aktibidades sa bahay konting pagkakagastusan para sa sarili at sa minamahal
masaya
sisimba magmumuni muni at tatanggalin ang mga wat ifs wat ifs at babawasan ang expectations
masaya
wag lang magkakaroon ng malubhang sakit
tama na ung ganito
walang kaartehan
!saranggola.
July 8, 2008nde pa ko nakapagpapalipad ng saranggola sa buong buhay ko…muntik na..pero nde pa…
magagawa ko din un..pramis…
at isa pa pala…
kaya nde umuunlad ang pilipinas..nde maganda ang systema..bakit nde mapaganda ang sistema..(sige pumunta na sa punot dulo) corruption…
naalala ko na naman ang tapatan nina korina at tid…
(ela, naintindihan ko un - natulugan ko lang)
!pride.
July 4, 2008kung bibilang ka ng mga sampu…den sasabihin mong itapon mo na ang pride, mas mabuti ang resulta…mas maganda ung ganun kumpara sa matulog kang masama ang loob, masakit ang ulo, pagod pa…
db? oo nga…kaya naman..next time ulet…para masarap ang tulog, nyahahaha…apir!
!prinsipyo sa buhay.
July 3, 2008andami dami ko na ring inumang naranasan, pero di ako manginginom ha, ung tipong everyday o every other day o every week o every other week, basta ganun, eh kagabi, pagkatapos kumain at wala ng magawa, nayaya ako bigla ni reymar at si pareng salmer, aus naman, iba iba talaga ang tao
mapapaisip ka na lang sa mga naranasan sa buhay kung ikukumpara mo yon sa bawat salita na lumalabas sa bibig ng mga nagkukuwento nung mismong panahon na yon, tama nga naman, pede nga naman, o marahil pedeng ganito rin
maganda rin talaga kung lagi kang gagawa ng mabuti eh noh, tama, pero pede maging makulit ha…hehehe
!corruption.
July 1, 2008grabe…tindi…sobra…ever…
natologan ko toloy si korina at tid…
nyuknyaks..ewan


